Sa isang pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Roque na isusulong niya na i-sight for contempt of the House of Representatives si De Lima kung magmamatigas ito sa imbestigasyon ng mga kongresista.
Gusto niya rin na malaman sa korte kung pipigilan ng prinsipyo ng inter-parliamentary courtesy ang pagdalo ng senadora sa kanilang pagdinig.
Iginiit ni Roque na pinatawag nila si De Lima para sa mga iregularidad na ginawa nito bago pa ito maging miyembro ng senado.
Si De Lima ay isinasangkot sa operasyon ng droga sa loob ng bilibid kasama ang sinasabi umanong driver lover nito noong ito pa ang kalihim ng Department of Justice.