Bagyong Dindo, napanatili ang lakas pero mabagal pa rin ang pag-usad

dindo_16082418Napanatili ng bagyong Dindo ang lakas nito habang patuloy ang pag-usad nito patungo sa direksyong timog timog-kanluran sa bilis na 7 kilometers per hour.

Inaasahang makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang mga lugar na nasasakop ng 500-kilometer diameter ng bagyo.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers per hour, at pag-bugso na 185 kilometers per hour.

Huling namataan ang sentro ng bagyo alas-diyes kagabi sa 1,090 kilometers East Northeast ng Itbayat, Batanes at ayon sa PAGASA, malabong mag-landfall ang nasabing bagyo.

Read more...