Karamihan sa mga naitalang patay ay sa makasaysayang bayan ng Amatrice, na ayon sa kanilang alkalde ay halos tatlong-kapat ng lugar ay gumuho.
Marami pa rin ang hinihinalang nabaon sa ilalim ng mga gumuhong gusali, habang daan-daan na rin ang nasugatan.
Sa ngayon ay hirap pa rin ang mga rescuers, lalo na ang mga heavy equipment na makapasok sa ilang mga lugar dahil naharangan na ang mga daanan patungo doon.
Dahil dito, mismong ang mga residente ay nagtulung-tulong na gamit ang kung anumang kagamitan ang mayroon sila para hukayin ang mga biktima.
Pinasalamatan naman ni Prime Minister Matteo Renzi ang mga volunteers at civil defense officials na agad na tumungo sa pinangyarihan ng disaster para tumulong sa mga biktima.