18-anyos na bihag, pinugutan ng Abu Sayyaf

Contributed Photo by Don Sappiri
Contributed Photo by Don Sappiri

Pinugutan na ng ulo ng bandidong Abu Sayyaf group ang isa sa kanilang mga Pilipinong bihag sa Sulu.

Sinabi ito sa Philippine Daily Inquirer ng pamilya ng 18 taong gulang na dinukot at binihag ng Abu Sayyaf na si Patrick Almodovar.

Anila, tumawag sa kanila ang Abu Sayyaf para ipaalam sa kanila ang tungkol sa pagpugot na sa ulo ni Almodovar.

Ibinahagi ng isang miyembro ng pamilya na tumangging magpakilala para sa kanilang seguriudad, na una na silang binigyan ng palugit na hanggang alas-3:00 ng hapon ng Miyerkules.

Ayon sa pinsan ni Patrick na anak ng isang court stenographer, hindi kaya ng pamilya na ibigay ang P1 milyong ransom na hinihingi ng Abu Sayyaf.

Natanggap pa umano ng pamilya ang tawag mula sa mga bandido habang sila ay nagdarasal.

Dinukot si Almodovar sa Barangay Asturias sa Jolo noong July 16.

Ayon kay Western Mindanao Command spokesperson Major Filemon Tan, natagpuan ang ulo ng biktima na nakabalot ng plastic bag sa Indanan, Sulu.

Iniwan aniya ito ng tatlong suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Read more...