Pagpatay sa pedicab driver maituturing na summary execution ayon kay Sen. Leila De Lima

de limaSinabi ni Sen. Leila De Lima na maaring maisama sa susunod na senate public hearing ukol sa extra judicial killings ang pagkakapatay sa isang pedicab driver sa Pasay City.

Ngunit agad din nilinaw ni De Lima na hindi niya pa napapanood ang CCTV footage.

Hiningian ng reaksyon si De Lima ukol pangyayari bilang Chairman ng komite sa Senado na nag-iimbestiga sa street killings.

Aniya maituturing na summary execution ang insidente base sa pagsasalarawan sa kanya ng napanood sa CCTV footage.

Sa naturang footage napanood na sumusuko na ang pedicab driver ngunit pinagbabaril pa rin siya ng mga humahabol na pulis.

Sinabi ng senadora na pag aaralan muna nila ang pangyayari.

Read more...