Bagyong Dindo, pumasok na sa PAR

PAGASA File Photo

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Dindo na may international name Lion Rock.

Sa severe weather bulletin number 1 ng PAGASA na inilabas ala una ng hapon, huling namataan ang Bagyong Dindo 1,200 kilometers northeast ng Ttbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 130 kilometers per hour at bugsong 160 kilometers per hour. Tatahakin ng bagyo ang direksyong south southwest sa bilis lamang na 7 kilometers per hour.

Hindi naman inaasahang magla-landfall ang bagyo at mananatili lang sa bansa sa loob ng isa hanggang dalawang araw.

Samantala, minomonitor ng pagasa ang isang low pressure area sa easter section ng Luzon.

Dahilan ito ng maulap na panahon na may katamtamang pag-ulan at isolated thunderstorms sa Ilocos Region at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Mindoro at Palawan.

Read more...