Sa kanyang talumpati na ginawa sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna iginiit nito sa mga pulis na hindi dapat mamatay sa mga operasyon dahil kawawa ang pamilya nila.
Paliwanag ni Bato, hindi kaya ng CHR na buhayin ang pamilya ng isang pulis kaya dapat siguraduhin na buhay sila matapos ang operasyon.
Ani dela Rosa, dapat ang mamatay ay ang mga adik at hindi ang mga pulis kung kaya dapat na siguraduhin buhay kapag nag operate at saka na umano isipin o asikasuhin ang mga kaso.
READ NEXT
PNP chief Bato Dela Rosa, pinatitiyak sa SAF na walang makalulusot na communication gadget sa loob ng Bilibid
MOST READ
LATEST STORIES