Paglalaro ng Pokemon Go, bawal sa Brgy at SK elections ayon sa Comelec

pokemon-go-1Nagbabala ang Commission on Elections sa mga botanteng maglalaro ng augmented reality game na Pokemon Go sa mga voting stations sa darating na Barangay at Sanguniang Kabataan elections sa October 31.

Nais ipaalala ni COMELEC-Kalibo chief Atty. Rommel Benliro sa mga kabataan na ang panghuhuli ng Pokemon ay bawal sa loob at paligid ng mga polling precint.

Una nang ipinagbawal ang paglalaro ng Pokemon Go sa mga piling lugar sa lungsod ng Quezon.

Maging ang lumalalang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA ay isinisisi na sa naturang augmented reality game.

Ang mga mahuhuling motorista naman na naglalaro ng Pokemon Go habang nagmamaneho ay pagmumultahin.

Read more...