Tatlo katao na ang nasawi habang marami ang sugatan sa pagtama ng 6.2 magnitude na lindol sa Rome, Italy kaninang umaga.
Bukod dito, marami ding gusali ang gumuho sa mga lugar na malapit sa epicenter ng lindol sa bayan ng Norcia, Umbria region.
Ayon sa national broadcaster na Rai, dalawa sa naunang kumpirmadong patay ay matandang mag-asawa matapos gumuho ang kanilang tirahan sa Pescara del Tronto sa Marche region.
Natagpuan naman ng ikatlong nasawi kasama ang apat na iba pa na na-trap naman sa kanilang tirahan sa Accumoli town.
Ayon kay Amatrice Mayor Sergio Pirozzi, kalahati ng kanyang nasasakupan ay tila nawala na dahil sa nasabing lindol.
Wala aniya silang suplay ng kuryente, telepono at maging ang rescue team ay hindi pa makapasok sa Amatrice dahil pansamantalang isinara ang mga daan na patungo sa kanilang lugar.
Binanggit din ni Pirozzi na nagkaroon ng landslide sa isang kalsada sa Amatrice at mayroon pang isang tulay na nanganganib na ring gumuho.
Sa lakas ng lindol, pinangangambahan na tataas pa ang bilang ng mga nasawi.