Halos magdulot ng stampede ang nasabing insidente matapos na magkagulo ang libu-libong tao na nasa lansangan.
Sa ulat ng Taiwanese media, lumitaw umano sa Beitou Park sa bahagi ng Taipei, ang rare Pokemon na “Snorlax”.
Kitang-kita sa footage kung paanong sabay-sabay na lumusob ang mga tao patungo sa direksyon ng parke kung saan naroroon ang Pokemon.
Nagkasabay-sabay ang pagtawid ang mga tao, dahil lahat sila ay naghintay naman na magkulay green ang ilaw para sa mga pedestrian bago sila tumawid.
Wala namang naitalang sugatan sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES