Submarine ng North Korea, nagpakawala ng missile

EPA AFP Photo
EPA AFP Photo

Nagsagawa ng test-launched ng kanilang ballistic missile ang submarine na pag-aari ng North Korea.

Pinakawalan ang missile sa direksyon ng East China Sea, batay sa monitoring ng military ng South Korea.

Isinagawa ang test-launched ng missile sa kasagsagan ng pagsasanay ng US-Korean military na nauna nang tinawag na NoKor na mistulang pagbabanta sa kanila.

Ayon sa Joint Chiefs of Staff ng South Korea, alas 5:50 ng umaga nang pakawalan ang missile.

Amg taunang military drill ng US troops at South Korean military ay nagpapatuloy at aabot sa libu-libong sundalo ang nagsasagawa ng pagsasanay.

 

 

 

 

Read more...