Problema rin sa Amerika ang EJK-Duterte

Duterte KerryKung nababahala ang Estados Unidos sa dami ng mga napapatay sa mga anti-drug operations sa bansa, ganito rin ang nararamdaman ng Pilipinas sa mga insidente ng pagpatay ng mga pulis sa Amerika sa mga African-Americans doon.

Matatandaang kinwestyon kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga insidente ng pagpatay sa mga ‘blacks’ sa Amerika kung saan pasimuno sa mga ito ang mga law enforcers sa naturang bansa.

Giit ni Pangulong Duterte sa kanyang press conference kamakailan, dapat sinisilip din ng United Nations ang mga kaso ng pagpaslang sa Amerika sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga nangyayari sa ating bansa.

Ayon kay Mark C. Toner, deputy spokesperson ng US Department of State, naninindigan ang Amerika sa ‘rule of law’ kaya’t kanilang binibigyan ng kaukulang atensyon ang mga ulat ukol sa mga paglabag sa human rights violations.

Bagamat may mga insidente rin aniya ng paglabag sa karapatang pantao sa Amerika, naniniwala sila sa State Department na mahalagang panatilihin ang naturang prinsipyo na susi sa pangmatagalang seguridad ng isang bansa.

Sa kabila ng pananw na ito, naninindigan aniya ang Amerika na mananatili malakas na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at US.

 

 

 

Read more...