Tinukoy ng mga pulis ang suspek na isang 52-anyos na babaeng mula sa Pilipinas, bagaman naniniwala silang walang political motive ang ginawa nitong pananaksak.
Inakusahan ng attempted murder ang babae na nakatakda pa lang kwestyunin ng mga prosecutors dahil sa ngayon ay ginagamot pa siya matapos mabaril ng mga pulis sa kasagsagan ng insidente na naganap sa isang mataong kalsada.
Ayon kay spokesman Xavier Dellicour, wala pa silang ideya tungkol sa motibo, pero sa tingin nila ay malayong isa itong kaso ng terorismo.
Nakalabas naman na ng ospital ang tatlong sugatan.
Base sa mga ulat ng local media, sinabi ng ilang testigo na nagkaroon ng pagtatalo sa loob ng No. 38 bus nang biglang maglabas ng kutsilyo ang babae.
Kinailangan siyang dalawang beses na barilin ng mga pulis matapos siyang tumakas ngunit tumanggi siyang makipagtulungan sa mga ito.
Hindi pa naman inilalabas ng mga otoridad ang pangalan ng babae.
Matatandaang naka-high alert ang Brussels matapos ang suicide bombings na isinagawa ng Islamic State doon noong Marso.