Super rich na mambabatas nagsimula ng mamili ng suporta-Wacky Leaks ni Den Macaranas

 

Katatapos pa lang ng eleksyon pero pumo-posisyon na ang isang kongresista na gustong tumakbong gobernador sa 2016.

Halos kada linggo ay iniimbitahan niya sa mga happenings ang mga mayors sa kanilang lalawigan na malapit lang sa Metro Manila.

Matatapos na kasi ang termino ng kasalukuyang gobernador kaya alam niya na karambola na sa 2016 at malaki ang kanyang laman dahil sa laki ng kanilang kayamanan na handang ipusta sa halalan.

Para hindi makalimutan ang kanyang pangalan kaya ngayon pa lang ay tinitiyak niyang maganda ang ugnayan nila ng mga alkalde sa kanilang probinsiya.

Hindi lang basta dining at drinking ang sagot ng ating bida dahil may pabaon pa siya sa mga kausap sa tuwing natatapos ang kanilang miting.

Mula sa mamahaling mga alak hanggang sa mga masasarap na pagkain na ino-order pa niya abroad.

Ganun din ang kanyang ginawa sa mga kasamahang kongresista kaya isa siya ngayon sa mga opisyal sa kanilang legislative bloc sa Kamara.

Wala namang bago sa style ng mambabatas dahil pera din ang kanilang ginamit noong nakalipas na halalan kaya sila nanalo sa pwesto noong eleksyon.

Mula vice-mayor hanggang sa mga konsehal ay kanilang nakuha ang suporta kapalit syempre ang malaking halaga ng pera.

Sa eleksyon sa 2019 ay ganito rin ang kanilang gagawin dahil “tried and tested” formula na raw ito.

At para matiyak na makukuha niya ang pinaka-mataas na posisyon sa lalawigan ay pinipilit niya ngayong makadikit sa mga opisyal ng gobyerno hanggang kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakahanda siyang iwan ang mga kasamahan sa talunang partido basta makakuha lang ng suporta mula sa pangulo.

Nakahanda na rin pati ang pagpasok sa pulitika ng ilan pang miyembro ng kanilang pamilya para matiyak na hahawakan nila ang liderato sa lungsod, congressional district at buong lalawigan.

Ang kongresista na ngayon pa lang ay pumoporma na para sungkitin ang gobernatorial post sa kanilang lalawigan ay si Cong. V….as in Villa.

Read more...