‘Purge’ sa mga appointees, dinepensahan

 

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang desisyon na pababain sa kanilang mga pwesto ang mga appointees ng kaniyang predecessor.

Ayon kay Ginoong Duterte, kailangan niyang magsagawa ng purge o linisin ang burukrasya upang tuluyan nang masawata ang katiwalian.

Paliwanag ng pangulo, hinahatak ng mga ito pababa ang ating bansa at aminado naman siyang maraming hindi matutuwa sa ginagawa niyang paglilinis sa pamahalaan.

Dagdag pa niya, laganap ang kawalan ng kaayusan sa Pilipinas at ilang bahagi ng pamamahala ay “dysfunctional” rin.

Ito ang dahilan niya kung bakit kinailangan niyang alisin ang lahat ng mga appointees ng mga nagdaang mga pangulo.

Gayunman, kumpyansa ang pangulo na mas matutuwa naman ang milyun-milyong mga Pilipino sa ginagawa ngayon ng pamahalaan.

 

Read more...