Balik biyahe na ang PNR

PNR FB page
Mula sa PNR FB page

Matapos ang dalawang buwang suspensyon sa biyahe, balik biyahe na ang Philippine National Railways (PNR) ngayong araw na ito ngunit limited operations lamang.

Ayon kay PNR Spokesman Paul De Quiros, nagsimula ngayong umaga ang kanilang biyahe pero limitado lamang sa Tutuban station sa Maynila at Alabang sa Muntinlupa City.

Nagpapatuloy pa kasi ang pagsasaayos sa riles ng PNR sa pagitan ng Alabang at Calamba sa Laguna.”Train operations from Alabang to Calamba will resume once trackworks in the stretch is finished,” ayon kay De Quiros.

Tatagal ng hanggang alas 9:00 ng gabi ang operasyon ng PNR sa Tutuban hanggang Alabang at pabalik.

Sa kabila naman ng isinagawang pagkukumpuni sa mga riles, nilinaw ni De Quiros na wala silang ipatutupad na fare hike sa PNR.

Noong buwan ng Mayo sinimulang suspendihin ang operasyon ng PNR matapos na madiskaril ang isa nitong tren na nagresulta sa pagkasugat ng 50 pasahero.

Nang magsagawa ng pagsusuri sa mga riles, natuklasan ng pamunuan ng PNR na kulang-kulang ang mga metal clips na posible umanong ninanakaw./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...