LEDAC, pupulungin ni Pangulong Duterte

 

Mula sa Inquirer.net

Pupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa mga susunod na buwan upang pag-usapan ang mga kinakailangang infrastructure projects na uunahin sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ang LEDAC ang consultative advisory council ng pangulo na nagsisilbing pinuno ng national economic and planning agency.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, natukoy na ng infrastructure committee ng National Economic Development Authority ang mga mahahalagang legal at institutional issues na may kinalaman sa naturang proyekto.

Ang mga ito aniya ay magiging bahagi ng legislative agenda na kanilang isusumite sa Ledac.

Kabilang sa mga isusumiteng hakbang sa LEDAC ay ang pagbuo ng super body na tututok sa water resources sector; Pagbuo ng National Transport Policy na tututok sa mga proyektong may kinalaman sa paglutas sa sektor ng transportasyon at iba pa.

Sa usapin naman ng problema sa matinding trapik, kanilang irerekomenda ang pagtatayo ng Bonifacio-Global City-Ortigas Link Bridge  na kung matatapos ay makakabawas ng 25 porsyento sa mga sasakyang bumabaybay sa EDSA.

Read more...