Banta ni Duterte na kumalas sa UN, ‘joke lang’

 

Inquirer file photo

Nagbibiro lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa bantang kakalas na ang Pilipinas sa United Nations.

Paliwanag ng pangulo, kapag kumalas ang Pilipinas sa UN, wala na itong ibang grupo na pagtutunguhan.

Gayunman, bagamat nagbibiro lamang ang pangulo, hindi naman nito pinalagpas ang pagpuna ni UN special rapporteur on summary execution Agnes Callamard na nababahala na umano ang international body sa nagaganap na extra judicial killings sa bansa bunsod ng pinaigting na kampanya kontra sa illegal na droga.

Ayon sa pangulo, napakabastos ni Callamard.

Sinabi pa ng pangulo, na bilang respeto dapat umaakto ang UN ng naayon at hindi basta na lamang pupunahin ang kanyang pamamalakad sa gobyerno.

Dapat aniyang sumulat sa kanya si UN Secretary General Ban Ki Moon kung nababahala na ang kanilang hanay at hindi basta na lamang sana nagdadakdak sa media si Callamard.

Read more...