2 ‘Duterte’ kasama sa mga naaresto sa buy-bust sa Zamboanga City

 

Dalawang tao na may apelyidong Duterte ang kabilang sa anim na naaresto sa isang drug buy-bust operation na isinagawa sa Zamboanga City.

Tinukoy ng Supt. Nonito Asdai na hepe ng Zamboanga City Police Station ang mga Duterte na sina Adrian at kapatid niyang si Arlyn.

Kasama nilang naaresto sina Stevenson Ardelesa, Ceejay Janal, Archie Quilante at Jerry Paul Violanggo.

Narekober mula kina Duterte ang limang sachet ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Ayon kay Asdai, nakausap na niya ang magkapatid dalawang buwan na ang nakalilipas nang sumuko sila sa pulisya.

Ayon mismo sa magkapatid, hindi nila kaanak si Pangulong Rodrigo Duterte kahit kaapelyido nila ito.

Dagdag pa ni Asdai, naging masinsinan pa ang pakikipagusap niya noon sa magkapatid dahil sa kanilang apelyido, ngunit naaresto rin sila sa buy-bust operation.

Read more...