Pacquiao, sinimulan na ang preparasyon sa nalalapit na comeback fight sa Nobyembre

Manny Pacquiao, of the Philippines, smiles during a workout Wednesday, April 15, 2015, in Los Angeles. Pacquiao is scheduled to fight Floyd Mayweather Jr. in a welterweight boxing match in Las Vegas on May 2. (AP Photo/Jae C. Hong)
(AP Photo/Jae C. Hong)

Sinimulan na ni Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao ang kanyang light training para sa nalalapit na comeback fight kontra WBO Welterweight Champion Jessie Vargas sa Nobyembre.

Kaninang umaga ay namataan si Pacquiao na nagjo-jogging kasama ang ilang miyembro ng “Team Pacquaio” sa isang exclusive village sa Makati City.

Nagsagawa rin ng ilang rounds ng shadow boxing at core exercises ang eight-division world champion na hudyat ng pagsisimula ng kanyang preparasyon sa nalalapit na laban.

Tiniyak naman ng kampo ni Pacquiao na hindi makakasagabal ang gagawing training ng Pambansang Kamao sa trabaho nito bilang isang senador dahil tuwing umaga lamang isasagawa ang pag-eensayo.

Sa katunayan, nakadalo pa si Pacquiao sa isinagawang imbestigasyon ng Senado sa extrajudicial killings ngayong araw.

Nabatid din na halos lahat ng training ni Pacquiao ay gagawin sa Pilipinas para magampanan pa rin nito ang mga trabaho bilang senador.

Kamakailan ay inihayag ni Pacquiao na magkakaroon siya ng comeback fight laban kay Vargas sa kabila ng naanunsiyo nang pagreretiro sa boxing.

Read more...