EKSKLUSIB – Natagpuan na ang nawawalang civilian chopper sa kabundukan ng General Nakar, Quezon.
Ayon kay Mayor Eliseo Ruzul ng General Nakar, nakita ng mga tauhan ng Philippine Airforce sa kanilang isinagawang aerial survey ang pinagbagsakan ng nasabing chopper.
Gayunman, sinabi ni Ruzul na hindi nakababa ang rescue chopper sa Sitio Tambo, Barangay, Umiray.
Sinabi naman ni Lt. Col. Ramil Anoyo, commanderng 48th Infantry Battalion ng Philippine Army na bago mag alas singko ngayong hapon ng makita ng piloto ng rescue chopper ng 505th Rescue Group ng Philippine Airforce ang tail ng Chopper na may body number RP-C2688.
Dahil madilim na at delikado sa lugar, bukas ng umaga ipagpapatuloy ayon kay Anoyo ng kanyang mga tauhan ang paglalakad upang mapuntahan ang ligar kung saan nakita ang chopper.
Hindi pa naman matiyak ng opisyal kung ano ang lagay ng mga sakay ng chopper na sina Ret. Airforce Colonel Miguel lobronio, piloto at kasamang co-pilot na si Jay Gregorio.
Nauna nang lumipad patungong Sumag River ang chopper mula sa MWSS Compound, Barangay Bigte, Norzagaray, Bulacan subalit makalipas ang apat na oras ay hindi pa ito dumarating sa lugar at hindi na rin ma-contact.
Base naman sa signal ng blackbox ng chopper ito ay tatlong kilometro ang layo sa Sumag River, BarangayUmiray, General Nakar, Quezon.
Susundo sana ng mga rescuer ng mga nasawing minero sa loob ng isng tunnel ang chopper nang mawalan ng contact dito.