Abogado ni Albuera Mayor Espinosa patay sa ambush

ALBUERA
Photo from Chona Yu

Natagpuang tadtad ng mga tama ng bala at wala ng buhay si Atty. Rogelio Bato na isa sa mga abogado ng mag-amang suspected druglord na sina Kerwin at Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sa paunang imbestigasyon, sinabi ni Tacloban City Police Director S/Supt. Rolando Bade na pasado alas-dos ng hapon kanina nang matagpuan ang duguang bangkay ni Bato kasama ang isang babaeng high school student na patay na rin.

Hindi pa nakikilala ang nasabing estudyante na nakasuot pa ng uniporme ng Sagkahan National High School.

Ang mga bangkay ng mga biktima ay nakita sa loob ng isang Toyota Hilux Pickup na may plakang YHH 461.

Nakarekober ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng mga basyo ng M16 rifle at Cal .45 pistol sa crime scene.

Magugunitang si Bato ang isa sa mga sumalubong kay Mayor Espinosa ng siya’y muling bumalik sa kanyang opisina kamakailan.

Inaalam pa ng mga otoridad kung may kaugnayan sa droga ang nasabing pamamaslang.

Read more...