Sen. Ejercito handa na para sa 90-day suspension order ng Sandiganbayan

JV ejercito
Inquirer file photo

Hindi na lalabanan ni Sen. JV Ejercito ang suspension order sa kanya ng Sandiganbayan.

Sa pagharap niya sa mga mamamahayag sinabi nito tatanggapin na lang niya ang desisyon ng anti-graft court.

Naging emosyonal si Ejercito at sinabi nito na labis niyang ikinalulungkot ang pangyayari.

Ngunit iginiit nito na wala siyang pinagsisihan sa pag apruba niya na gamitin ang P2 Million sa calamity fund para ipambili ng mga baril para sa lokal na pulisya noong siya’y mayor pa lamang ng San Juan City noong 2008.

Iginiit nito mas nakakapanghinayang kung malalagasan ng buhay ang kanyang mga pulis sa pakikipaglaban sa mga kriminal.

Sinabi pa nito na alam niya na tama ang kanyang ginawa at umaasa na papanig sa kanya ang hustisya.

Read more...