Mga lider ng kilabot na Maute group nadakip ng AFP

AFP Field
Inquirer file photo

Naaresto ng militar ang umano’y mga lider ng Maute terror group sa Lanao del Sur.

Pinangalanan ni Wesmincom spokesman Maj. Felimon Tan ang mga naaresto na sina Hashim Balawag Maute, alias Apple at Jehad, Abdul Jabbar Tominaman Macabading, Jamil Batoa Amerul, Muhammad Sianodin Mulok at Omar Khalil

na isinasangkot sa mga terror activities sa nasabing lalawigan.

Kabilang sa mga naaresto ang tatlong babae nakilalang sina Hafidah Romato Maute at Norhanna Balawag Maute, mga anak nina Engr. Cayamora at Ominta Maute, at Nasifa Pundug na umanoy asawa ng isang terror group lider na nakabase sa Kapai, Lanao del Sur.

Ayon kay Tan, naharang ng 51st Infantry Batallion at 1st Infantry Division ang mga suspek habang sakay ng isang van sa Barangay Nanagun, Lumbayanague, Lanao del Sur.

Sa impormasyon nakuha ng militar, may plano umanong maghasik ng kaguluhan ang nasabat na mga suspek sa di pa matiyak na lugar

Narekober mula sa mga suspek ang mga pampasabog o IED’s, 2 granada, 2 kalibre 45 pistola at mga bala, isang 81mm mortar ammunition na ginawang IED, 2 pipe bombs at ilang piraso ng  electronic at triggering devices.

Read more...