Nagbanta si Environment Sec. Gina Lopez na gugulong ang ulo ng mga tiwaling opisyal ng ahensya.
Ayon kay Lopez, gagawin niyang misyon ang pagtatanggal ng mga opisyal na nagpabaya at nagbigay daan sa unsafe practice ng mga mining firms sa bansa.
Sinabi ni Lopez na malinaw na may mga opisyal ng DENR ang tiwali at nagbulagbulagan sa mga nangyayari sa mining industry.
Sa ngayon, umaabot na sa sampung minahan ang naipapasara ni Lopez mula nang manungkulan sa kagawaran.
Ipinag-utos din niya ang pag-alis sa ilang mga fish cages sa Laguna lake.
Nauna ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging mahigpit ang kanyang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga environmentral laws.
MOST READ
LATEST STORIES