Listahan ng mga LGUs na pasok sa “honor roll” inilabas na

malacanang-fb-07234Isinapubliko na ng Malacañang ang listahan ng mga provincial governors na pasok sa honor roll o may magandang performance sa pamumuno sa kani-kanilang nasasakupang lugar.

Base sa liham na isinumite ng Department of Interior and Local Government kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, nangunguna sa listahan si Ilocos Norte Governor Imee Marcos; Isabela Governor Faustino Dy; Quirino Governor Junie Cua; Palawan Governor Jose Alvarez at Romblon Governor Eduardo Firmalo.

Pasok din sa top ten sina Negros Occidental Governor Alfredo Maranon; Bohol Governor Eduardo Chatto; Cebu Governor Hilarion Davide; South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes at Agusan del Norte Governor Maria Angelica Rosedell Amante Matba.

Una rito, sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na bagama’t hindi dapat kasama sa listahan ang mga pulitiko na kabilang sa political dynasty gaya na lamang nina Marcos at Dy ay maaring natabunan ito dahil sa ganda ng kanilang performance.

Matatandaang sinabi ni Andanar na ang listahan ng honor roll ang kanilang pangtapat sa mga masasamang local government officials na nadadawit sa operasyon ng ilegal na droga.

 

Read more...