Ayon sa PAGASA, ang binabantayan nilang Low Pressure Area (LPA) ay huling namataan sa 370 kilometers west ng Dagupan City. Nasa bahagi ito ng West Philippine Sea.
Maliit pa rin ag tsansa na ito ay maging isang ganap na bagyo, pero pinalalakas nito ang Habagat.
Partikular na apektado ng Habagat at makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Western Visayas at ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Mindoro, Palawan at Negros Occidental.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na mayroong isolated rainshowers o thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja, wala pa ring bagyo na namamataan malapit sa Philippine Area of Responsibility.