Muli namang nilinaw ni Presidential spokesman Ernesto Abella na ang mga sakop lang ng “massive revamp” na ito ay iyong mga appointees ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Bago ang paglilinaw na ginawa ng Malacañang, maraming miyembro ng Gabinete ang nalito tungkol sa nasabing direktiba dahil maging sila ay hindi alam kung kasama sila sa mga masisibak sa pwesto.
Hindi aniya kasama dito ang mga “current appointees” ni Duterte, maliban lang sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation, Regulatory and Franchising Board (LTFRB).
Bukod sa mga appointees ni Pangulong Duterte, hindi rin kasama sa mga pinabababa sa pwesto ang mga opisyan ng state universities and colleges, sa judiciary at pati na sa government-owned and -controlled corporations.
Samantala sa Bureau of Internal Revenue (BIR) naman, nagkaroon na ng reshuffling sa mahigit 60 matataas na field officials bilang hudyat rin ng revamp ni Pangulong Duterte.