Big-Time oil price increase, epektibo na ngayong araw

 

Epektibo na ngayong umaga ang malakihang pagtaas sa presyo ng mga produkto ng mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Nanguna na sa pagpapatupad ng ₱1.35 na pagtaas sa presyo sa kada litro ng gasolina at ₱1.45 na dagdag naman sa kada litro ng diesel ang Flying V simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Alas-6:00 naman ng umaga ipapatupad ng Unioil, Petron, PTT, Phoenix, SeaOil, Caltex, Eastern Petroleum at Shell ang pagtaas ng singil sa kanilang gasolina at diesel sa parehong presyo.

Magtataas rin ng ₱1.45 kada litro ng kerosene ang mga kumpanyang Petron, SeaOil, Caltex, Flying V at Shell.

Read more...