Sinabi ni Deputy Speaker Karlo Nograles na kanilang padadalhan ng imbitasyon ang driver ni De Lima na si Ronnie Palisoc Dayan, upang paharapin ito sa imbestigasyon at matunton ang koneksyon ng dating Kalihim ng DOJ at mga drug lords sa NBP.
Matatandang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsiwalat na ang driver bodyguard ni De Lima na naka-relasyon din diumano nito ang nagsisilbing taga-kolekta ng pera mula sa mga drug lords na nakakulong sa NBP.
Labingisang mambabatas ang naghain ng resolusyon upang paimbestigahan ang posibleng responsibilidad ni De Lima sa diumano’y pagiging mistulang drug haven ng NBP sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang Kalihim ng DOJ.
Bukod sa driver nito, padadalhan din ng courtesy invitation ng Kongreso si De Lima at sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, BuCor chief Ricardo Rainier G. Cruz III dating Bucor Director Franklin Jesus Bucayu.
Samantala, naniniwala naman si Ifugao Rep. Teddy Baguilat na magiging isang uri ng political persecution lamang ang pagdinig dahil ang mga mambabatas na nais isulong ang inquiry ay ang siyang grupo rin na humaharang na maimbestigahan ang mga extrajudicial killings sa bansa.