Customs police captain, 4 iba pa kinasuhan dahil sa multi-milyong ‘tara’ buwan-buwan

 

Inquirer file photo

Sinampahan na ng kaso sa Department of Justice ng Bureau of Customs ang isang opisyal at apat na empleyado na sangkot sa katiwalian.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Customs Commisioner Nicanor Faeldon, may mga affidavit na silang isinumite sa DOJ laban kay Customs Police Captain Arnel Baylosis at apat na iba pa.

Dagdag ni Faeldon, simula pa noong 2012, tumatanggap ng ‘tara’ o bribe money ang mga akusado mula sa 100 hanggang 220 million pesos kada buwan. Dalawa din anyang tauhan ni Baylosis ang iniimbestigahan na rin ngayon.

Inulat din ni Faeldon na sa unang 50 araw nito sa pwesto ay umabot na sa higit P1.3 billion na halaga ng mga kontrabando tulad ng iligal na droga, sibuyas, asukal at cosmetics ang nakumpiska.

May 10 high-powered firearms na rin aniya silang nasabat na nakasilid sa balikbayan box at nahuli na rin ang consignee nito sa Bacolod City.

 

Read more...