Tiwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na magkakaroon na ng katahimikan ngayong nagdeklara na din ng ceasefire o pansamantalang tigil putukan ang NPA.
Ayon sa kalihim sasamantalahin nila ang pitong araw na ceasefire ng CPP-NPA NDF para maituon ang atensyon ng militar sa mga non-combat operations gaya ng mga development projects ng pamahalaan.
Pero para sa kalihim mas maganda sana kung palalawigin pa ng NPA ang idineklara nilang tigil putukan.
Suhestyon pa ni Lorenzana dapat manatili na muna ang ceasefire hangga’t hindi natatapos ang ginagawang dayalogo ng mga kinatawan ng pamahalaan at mga lider o consultant ng CPP-NPA sa Oslo, Norway.
Magtatapos sa linggo ang pitong araw na ceasefire ng NPA na nagsimula noong Linggo ng gabi August 21.