Nag-anunsyo na ang ilang petroleum companies ng pagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto.
Alas dose uno ng madaling araw bukas, magpapatupad ang Flying V ng P1.35 na pagtaas sa presyo ng kanilang gasolina at P1.45 naman para sa bio diesel at kerosene.
Nagpahayag na rin ang Petron, Caltex Philippines at Phoenix Petroleum ng kaparehong taas presyo umpisa alas-sais ng umaga bukas.
Inaasahan naman na susunod rin sa dagdag-presyo ang ilang mga oil companies.
Ang nasabing price increase sa presyo ng petrolyo ay bunsod pa rin ng pag-galaw ng presyo nito sa world market.
MOST READ
LATEST STORIES