Unang araw ng peace talks sa Oslo, Norway napuno ng kumustahan

OSLO Peace
Photo: Edre Olalia

Naging matagumpay ang unang araw ng resumption ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan ng National Democratic Front –  Communist Party of the Philippines – New People’s Army (NDF-CPP-NPA) sa Holmenkollen Park Hotel. Oslo, Norway.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na naging maayos ang simula ng usapan kung saan ay inilatag ang ilang mga isyu na dapat pagkasunduan ng magkabilang panig.

Tatagal ang nasabing pag-uusap hanggang sa August 27.

Ipinaliwanag ng opisyal na seryoso ang pamahalaan sa pagsusulong ng tunay na kapayapaan sa maka-kaliwang grupo para tuldukan na ang halos ay apatnapung taon ng rebelyon.

Kasama sa panig ng pamahalaan sina chief negotiator Bebot Bello, dating peace adviser Rene Sarmiento, dating Agrarian Reforms Sec. Nani Braganza, PAPP Secretariat chief Carla Munsayac, Tarlac Cong. Victor Yap at Atty Sedfrey Candelaria.

Kasama rin sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Angeles City Mayor Ed Pamintuan na kumakatawan naman sa local government sector.

Sa panig ng NDF at present sina CPP founding chairman Jose Maria Sison,  Louie Jalandoni, Fidel Agcaoili, Coni Ledesma, Julie de Lima , Asterio Palima , Satur Ocampo, mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, Atty. Edre Olalia at iba pa.

Nagsilbi ring reunion ng mga lider ng komunistang grupo ang nasabing pag-uusap.

Ang pamahalaan ng Norway ang tumatayong facilitator sa nagaganap na pag-uusap.

Read more...