FDA, pag-aaralan kung totoong nakaka-cancer ang talcum powder

Talcum powderMagsasagawa ng pag-aaral ang Pilipinas kung may katotohanan na ang talcum powder o pulbos ay carcinogenic o nakaka-cancer.

Ito ay bunsod ng dumadaming panawagan na pag-aralan kung totoong may peligroso ang paggamit ng pulbos.

Batay sa atas ng World Health Organization International Agency for Research on Cancer, kabilang ang Pilipinas sa binuong task force na magsasagawa ng nasabing pag-aaral maliban pa sa mga bansang Singapore at Thailand.

Kaugnay nito, nagpadala na ng sulat ang Food and Drug Administration o FDA sa mga manufacturer at distributor ng nasabing cosmetic product kung saan pinagsusumite ang mga ito ng patunay na walang halong asbestos ang kanilang mga talcum powder.

Sa isang advisory na nilagdaan ni FDA Director Gen. Maria Lourdes Santiago, inaatasan nito ang lahat ng manufacturer na lagyan ng labeling ang kanilang produkto na dapat ilayo ang pulbo sa ilong at bibig ng mga bata.

Bukod dito, pinalalagyan din ng FDA ang nasabing cosmetic product ng instructions kung papaano ang tamang paggamit nito./ Mariel Cruz

 

 

Read more...