Senator Jinggoy, pinayagan ng korte na dumalaw sa ospital  

 

Pinayagan ng Sandiganbayan 5th Division si Senator Jinggoy Estrada na makadalaw sa kanyang biyenan na nasa ospital matapos ma-stroke.

Batay sa dalawang pahinang desisyon ng Anti Graft Court, si Estrada ay maaaring lumabas ng kanyang selda sa PNP Custodial Center sa Camp Crame alas-9 ng umaga bukas.

Pinayagan ang senador na manatili sa Intensive Care Unit ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City hanggang alas 12:00 ng tanghali.

Ang biyenan ni Estrada na si Estelita Vitug ay na-stroke at patuloy na nagpapagaling sa nasabing ospital.

Muli namang ipinaalala ng korte na hindi maaaring gumamit ng anumang communication equipment si Estrada habang siya ay nasa labas ng detention cell./Donabelle Dominguez-Cargullo

 

 

Read more...