Japan, galit sa paglalayag ng Chinese coast guard sa East China Sea

 

Inquirer file photo

Pumalag ang Japan sa China matapos maglayag ang mga barko ng Chinese coast guard sa dagat na pumapalibot sa pinag-aagawan nilang mga isla sa East China Sea.

Ayon sa Japan Coast Guard, apat na Chinese vessels ang nag-layag sa tinatawag na Senkaku islets sa Japan, at Diaoyu sa China, dakong alas-10:00 ng Linggo ng umaga.

Umalis rin naman umano ang mga ito matapos ang isang oras.

Dahil dito, naglabas si Asian and Oceanian affairs bureau director general Kenji Kanasugi ng Japanese foreign ministry ng protesta at ipinadala ito sa Chinese embassy sa Tokyo.

Nakasaad sa pahayag na ang “incursion” ng mga barko ng China ay lumabag sa sovereignty ng Japan.

Binatikos pa sa naturang pahayag ang mga hakbang na patuloy na ginagawa ng China na napapatindi ng tensyon sa rehiyon sa kabila ng matitinding protesta ng Japan.

Mababatid na matagal na ring nagbabangayan ang dalawang bansa dahil sa agawan ng mga islets sa teritoryong ito.

 

Read more...