Singapore Prime Minister sumama ang pakiramdam habang nagtatalumpati

 

ST Photo

Pansamantalang nasuspinde ang National Day Rally sa Singapore matapos sumama ang pakiramdam ni Prime Minister Lee Hsien Loong sa kalagitnaan ng kanyang pagtatalumpati.

Dakong alas-9:20 ng gabi kanina, oras sa Singapore, sumama ang pakiramdam at halos nawalan ng balance ang 64-na tong gulang na  Punong Ministro habang nakatayo ito sa podium sa ITE College Central auditorium kung saan ito nagsasalita sa mga delegado na dumalo sa okasyon.

Dahil dito, agad siyang inalalayan ni Defence Minister Ng Eng Hen at ilan pa nitong opisyal pababa ng entablado.

Bago bumaba ng stage, nagawa pang kumaway sa audience ng opisyal.

Makalipas ang pagsusuri ng emergency medical teams, hindi naman seryoso ang kondisyon ni PM Loong.

Hinala ng mga medical experts, nakaranas lamang ito ng dehydration dahil sa init at matagal na pagtayo.

Makalipas ang mahigit isang oras, bumalik sa entablado ang Prime Minister na sinalubong na standing ovation ng mga dumalo sa rally.

Read more...