6 na Pinoy na nasawi sa sunog sa Riyadh, kinilala na

 

Patay ang anim na Pilipino, kabilang ang isang buntis, matapos masunog ang isang bahay sa Riyadh, Saudi Arabia.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Sahara Mapandi, 46, Rema Mapandi, 8, Ryan Mapandi, 7 taong gulang,  Dodio Guiamat, Karen Anne Guiamat at apat na buwang buntis, 31 at  Aneeka Guiamat, 1 taong gulang.

Sa impormasyon mula kay ACTS-OFW partylist Rep. John Bertiz, naganap ang insidente Sabado ng umaga sa Riyadh.

Natutulog ang mga biktima nang kumalat ang apoy sa buong bahay.

Bukod sa mga namatay, mayroon ding dalawang Pilipino ang sugatan.

Read more...