3 Pinoy ISIS-sympathizers patay sa encounter sa Saranggani

 

Mula sa Inquirer.net

3 katao na sympathizers umano ng Islamic State (ISIS) ang napatay ng puwersa ng militar sa lalawigan ng Saranggani.

Ayon kay Major General Rafael Valencia, commander ng 10th Infantry Division ng Army, naganap ang bakbakan sa liblib na bahagi ng bayan ng Maasim, sa pagitan ng puwersa ng militar at grupo ni Mohammad Jaafar Sabiwang Maguid, lider ng Ansar Al Khalifah Philippines, na sumusuporta sa ISIS.

Una rito, namataan ang grupo sa bulubunduking bahagi ng Maasim, kaya’t agad na naglunsad ng operasyon ang mga sundalo.

Nang magpang-abot, nagkapalitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na humantong sa pagkamatay ng tatlong rebelde.

Narekober sa lugar ng encounter ang isang ISIS- style na bandila at dalawang rifle.

Nakatakas naman sa gitna ng bakbakan ang itinuturong lider ng grupo.

Read more...