IED, natagpuan malapit sa paaralan sa Basilan

 

Mula sa Wikipedia

Isang improvised explosive device (IED) ang natagpuan ng mga residente malapit sa isang paaralan sa Isabela City, Basilan Linggo ng umaga.

Nadiskubre ang IED sa malapit sa gate ng MS Bernardo Elementary School sa Barangay Dikki.

Ayon kay Explosive Ordinance Disposal Team head, Police Senior Inspector Serafin Jun Reyes isang uri ng ‘pipe bomb’ ang IEd na kinabitan ng cellphone na magsisilbi sanang triggering device,.

Kung sumabog, may kakayanan ang bomba na makapaminsala at makapatay sa mga inosenteng sibilyan na mapapadaan sa lugar.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang grupo na nagtanim ng bomba sa lugar at ang posibleng motibo ng mga ito.

Read more...