Ayon sa Iraqi authorities, binitay ang mga kalalakihan sa Nasiriyah Prison sa southern Iraq nitong Linggo matapos patawan ng parusang kamatayan ng Iraqi court noong nakaraang taon.
Noong 2014, dinakip ng Islamic State ang nasa 1,700 mga sundalo nang kanilang makubkob ang bayan ng Tikrit, na siyang bayan na sinilangan ni Saddam Hussein.
Papatakas sana ang mga naturang sundalo mula sa Camp Speicher na isang dating base militar ng Amerika.
Nang maaresto, daan-daang sundalo ang pinatay ng mga ISIS sa pamamagitan ng pagpapadapa sa mga ito sa isang mababaw na hukay at pinagbabaril.
Tinawag ang karumal-dumal na pagpatay bilang ‘Speicher massacre’.
Ang ‘Speicher massacre’ ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpasya ang mga Shiite militia na isang Sunni extremist group sa Iraq upang labanan na rin ang ISIS sa naturang bansa.