33rd death anniversary ni dating Sen. Ninoy Aquino, ginugunita ngayong araw

Photo from Sen. Bam Aquino's Twitter account
Photo from Sen. Bam Aquino’s Twitter account

Mga simpleng seremonya ang magkahiwalay na isinagawa sa Manila Memorial Park sa Paranaque at Ninoy Aquino International Airport bilang paggunita sa ika-tatlumpu’t tatlong death anniversary ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.

Sa Manila Memorial Park, dumalo pagtitipon si dating Pangulong Noynoy Aquino at ilan pang miyembro ng pamilya Aquino gaya nila Ballsy, Pinky at Viel, at mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby.

Nagtungo rin ang mga kilalang kaalyado ni dating Presidente Aquino na sina dating DILG Secretary Mar Roxas at dating DSWD Secretary Dinky Soliman.

Tumanggi naman ang former President na magkomento sa pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan na hero’s burial si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Samantala sa NAIA naman, nangunana sa wreath-laying ceremony si Senador Bam Aquino.

Nagkaroon din ng thanksgiving mass na dinaluhan ng mga supporter ni Aquino.

Noong August 21, 1983, binaril sa Aquino sa tarmac ng Manila International Airport o kilala ngayong bilang NAIA.

Read more...