Ayon kay Erap, mas makabubuti kung mas pagtutuunan ng pansin ang iba pang problema ng bansa at mag-move on na sa nakaraan.
Sinabi din ng alkalde na nararapat din na igalang ang namayapang dating pangulo ng bansa.
Hindi na dapat aniya nauuwi sa bangayan ang nasabing isyu lalo pa’t ang pinakamataas na opisyal na ng bansa nagdesisyon.
Nabatid na nakatakdang ihimlay ang namayapang Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa September 18.
Una nang ipinag-utos ni Duterte ang preparasyon sa nasabing hero’s burial.
Iginiit ni Duterte na nararapat lamang mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil dati siyang sundalo at pangulo ng bansa.
Noong nakaraang linggo, daan daan indibiduwal na pawang mga anti-Marcos ang nagtungo sa Lapu Lapu Shrine sa Rizal Park upang magsagawa ng kilos protesta kontra sa nasabing hero’s burial.