CPP-NPA nagdeklara ng ceasefire para sa isasagawang peace talks

CPP-NPAIdineklara ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ang armed wing nito na New People’s Army (NPA) ang pagkjakaraoon ng pitong araw na unilateral ceasefire kasunod ng pansamantalang pagpapalaya sa mga miyembro nito para makasama sa isasagawang peace talks sa Oslo, Norway.

Sa inilabas na pahayag ng CPP, magsisimula ng nasabing unilateral ceasefire mula 12:01 ng August 21 na magtatagal hanggang 11:59 pm ng August 27.

Kaugnay nito ang isasagawang peace talks sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo sa Norway mula August 22 hanggang 26.

Pansamantalang pinalaya sina Benito at Wilma Tiamzon kasama an gang 17 pang iba pa na mga consultants ng National Democratic Front (NDF) para dumalo sa peace talks sa Norway.

Ayon kay Benito, ang pagpapalaya sa kanila ay isang goodwill measure at kanyang pinasasalamatan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa inilabas na statement ng CPP na kanilang pinapahalagahan ang pagsisikap ng gobyerno sa pagkakaroon ng peace talks bilang pagtukoy sa ugat ng pagkakaroon ng cvil war sa Pilipinas.

Umaasa ang CPP na madedeklara rin ng ceasefire ang gobyerno ng Pilipinas bilang pagpapakita na dterminado iton sa negosasyon para sa kapayapaan.

Binigyang diin ng CPP na mananatiling nakaalerto ang armed wing nito sa ceasefire period na ipapatupad nito.

Ayon sa CPP Bukas rin ito at ang NPA sa posibilidad ng mas mahabang ceasefire kapag nakumpleto na ang pagpapalaya sa lahat ng political prisoners.

 

Read more...