SPD, di pa kinukumpirma ang ulat na negatibo sa drugtest ang Radio DJ na si Karen Bordador habang boyfriend nito positibo naman

karen bordadorHumiling ng panalangin ang Radio DJ na si Karen Bordador para sa kanyang sarili at kanyang boyfriend na si Emilio Lim na humarap sa preliminary investigation sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Ayon sa lumabas na balita, negatibo si Bordador sa isinagawang drug test habang si Lim naman ay nagpositibo.

Hindi pa kinukumpirma ng Southern Police District ang nasabing ulat.

Ayon kay Senior Superintendent Tomas Apolinario na hindi makakaapekto sa kaso nila Lim at Bordador ang resulta ng drug test.

Hinaharap ng dalawa ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Naaresto silang dalawa sa condominium unit ni Lim kung saan aabot sa nakumiska ang aabot sa 2.8 million pesos na halaga ng ecstasy at shabu.

 

Read more...