Dismiss na pulis, patay sa isinagawang buy-bust operation

DrugsPatay ang isang na dismiss na pulis na siyang number 3 drug personality sa bayan ng Panglao sa Bahol.

Kinilala itong si Police Officer 3 Rainero Estoque na hininalang tulak ng illegal na droga sa Panglao na kilala bilang lugar ng maraming beach resort sa Bohol.

Ayon kay PO1 Mark Yana, desk officer ng Panglao Police Station na nasa top 3 ng drug watchlist si Estoque.

Dagdag pa na ng human resource and doctrine development branch ng Bohol Police Provincial Office (BPPO) na na-dismiss ito apat na taon na ang nakararaan dahiul sa hinihinalang pagkakadawit sa ilegal na droga.

Sinabi ni Yana na isang buy-bust operation ang isinagawa sa pinagsamang pwersa ng Panglao Police at ng Provincial Public Safety Company (PPSC)/Special Weapons and Tactics (SWAT) ng BPPO.

Nakatunog umano si Estoque na mga pulis ang kanyang mga katransakyon kaya una itong nagpapaputok ng baril sa mga pulis.

Ayon kay Yana naunang bumunot ng baril si Estoque kaya bumunot na din ng baril ang pulis para gumanti ng putok.

Nagtamo si Estoque ng multiple gunshot wound sa kanyang ulo at katawan.

Namatay si Estoque habang dinadala sa isang ospital sa Tagbilaran.

Narekober mula kay Estoque ang anim na maliliit at medium-sized na sachet ng mga shabu, ang 500 piso na marked money, tatlong piraso ng aluminum foil at isang .38 pistol.

Dalawang lingo matapos bago ang insidente ay sumuko si Estoque sa Panglao Police dahil sa Operation Tokhang, ang kampanya upang hikayatin ang mga drug users at pushers na magbago na ng buhay.

 

 

 

Read more...