Sinabi ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na ang paglaya ng National Democratic Front (NDF) peace consultants na sina Benito at Wilma Tiamzon ay pagpapatunay lang na taos-puso kay Pangulong Rodrigo Duterte na makamit ang kapayapaan sa pagitan ng mga makakaliwang grupo.
Ayon sa OPAPP na ang mag-asawa na ang huli sa mga nakadeteneng ranking members ng NDF na pansamantalang pinalaya para makalahok sa isasagawang peace talk sa pagitang ng gobyerno at Communist Party of the Philippines (CPP) sa Oslo, Norway sa susunod na linggo.
Umaasa si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na magiging maganda ang isasagawang negosasyon sa Oslo.
Simula pa taong 2012 na maantala ang pagkakaroon ng peace talk sa NDF ang political arm ng CPP dahil sa di di pagkakasundo ng gobyerno at NDF.
Bago pa manalo sa eleksyon si Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang isusulong ang pagkakaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga makakaliwang grupo.
Ang nasabing peace talk ay magsisimula sa Augsut 22 kung saan ang mga pansamantalang pinalaya na mga political prisoners ay sasailalim sa regular na judicial procedures.
Kaugnay nito nasa 22 consultants ng NDF na ang naisyuhan ng Philippine passport.
Si Labor Secretary Silvestro Bello III ang pamumuno na panel ng gobyerno ng Pilipinas kung saan siya sasamahan nina Former Agrarian Reform Secretary Hernani Braganza, at ng mga baogadong sina Rene Sarmiento, Antonio Arellano at Angela Librado-Trinidad.