Aiza Seguerra, hindi na-offend nang tawagin siyang Mister at Misis ni Sen. Pacquiao

Aiza SeguerraHindi minasama ni National Yourt Commission (NYC) Chairperson Aiza Seguerra ang pagkalito ni Senator Manny Pacquiao kung anong itatawag sa kaniya sa kasagsagan ng imbestigasyon ng senado hinggil sa kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs.

Sa hearing ng senado, nalito si Pacquiao kung Mister o Misis ang itatawag kay Seguerra nang tanungin niya ito kung ano ang gagawing aksyon ng NYC para masawata ang paglaganap ng ilegal na droga sa mga kabataan.

Nagtawanan pa ang mga senador at ang mga nanonood ng hearing nang madinig ang pagkalito ni Pacquiao.

Pero agad na sumagot si Seguerra t sinabing hindi pa siya misis.

Sa kaniyang post sa twitter, sinabi ni Seguerra na hindi siya na-offend sa sinabi ni Pacquiao.

Hindi rin umano niya naramdaman na sinadya siyang pagkatuwaan ng senador.

“Para sa ikakapanatag ng lahat, I did not take offense sa sinabi ni Sen. Pacquiao. He was confused, yes, but he didn’t mock me. All is well,” ayon sa post ni Seguerra sa Twitter.

Magugunitang si Pacquiao ay naging kontrobersiyal noon dahil sa kaniyang posisyon sa same sex marriage.

 

 

Read more...