Pinay na ginahasa at sinaktan ng employer sa Riyadh, pumanaw na

saudi arabiaPumanaw na ang pinay na ginahasa at sinaktan ng kaniyang amo sa Riyadh, Saudi Arabia.

Kinumpirma ni ACTS OFW Rep. John Bertiz, pumanaw ang pinay na si Irma Avila Edloy, 35 anyos alas 11:45 kagabi habang naka-confine sa King Salman Hospital.

May mga pasa sa katawan at duguan ang underwear ni Edloy nang dumating ito sa nasabing pagamutan kung saan ito ilang araw na comatose, bago tuluyang bawian ng buhay kagabi.

Nadalaw pa siya ni Labor Sec. Silvestre Bello III noong Martes sa pagamutan.

Noong unang mga araw sa ospital, maayos at nakakausap pa umano si Edloy.

Gayunman, na-stroke umano ito matapos siyang puntahan sa pagamutan ng kaniyang amo.

July 28 lamang nang dumating sa Saudi Arabia si Edloy.

Sinuspinde na ng DOLE ang Rejoice Employment International Corporation na siyang nag-recruit kay Edloy.

 

 

Read more...